^

PSN Palaro

11 players ipaparada ng Gilas Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tanging 11 miyembro ng Gilas Pilipinas ang ipaparada ng bansa sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers’ third window na idaraos sa susunod na linggo.

Pormal nang inanunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang listahan ilang araw bago ang bakbakan sa qualifiers.

Pangungunahan ni Kiefer Ravena ang kampanya ng Pilipinas.

Kasama rin sina RJ Abarrientos ng Ulsan, SJ Belangel ng Daegu, Rhenz Abando ng Colegio de San Juan de Letran, Geo Chiu ng Ateneo de Manila University, Kevin Quiambao ng De La Salle University, Dwight Ramos ng Hokkaido, Carl Tamayo ng University of the Philippines, free agent Lebron Lopez at William Navarro.

Ang 10 players ay bahagi ng team na sumabak sa dalawang friendly matches kontra sa South Korea kamakailan.

Nadagdag sa listahan si Dave Ildefonso ng Ateneo.

Hindi nakalaro si Ildefonso sa tuneup games dahil nagpagaling pa ito sa ankle injury.

Hindi masisilayan sa aksyon si naturalized player Angelo Kouame matapos magtamo ng partial ACL tear.

Sa qualifiers, nasa Group C ang Gilas Pilipinas.

Hawak ng Pinoy cagers ang 1-1 rekord.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang New Zealand Tall Blacks sa Hunyo 30 sa Event Finda Stadium sa Auckland, New Zealand.

Sunod na haharapin ng Pinoy squad ang India sa Hulyo 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang may 3-0 rekord ang New Zealand habang 0-3 naman ang India.

Non-bearing ang mga laro sa Gilas, New Zealand at India dahil awtomatiko na itong pasok sa next round ng torneo matapos madiskwalipika ang South Korea sa qualifiers.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with