^

PSN Palaro

Pero may plan b na nakahanda Sotto bigo sa NBA Draft

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pero may plan b na nakahanda Sotto bigo sa NBA Draft
Kai Sotto
File

MANILA, Philippines — Bigo si Kai Sotto na mapasama sa listahan ng mga nahugot sa NBA Rookie Draft na ginanap kahapon sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Nakaabang ang buong sambayanan sa buong panahon ng draft ngunit hanggang sa matapos ang programa, hindi natawag ag pangalan ng 7-foot-3 Pinoy cager.

Kaya naman hindi maitago ang kalungkutan ng buong basketball community sa pag-asa sana ni Sotto na maging kauna-unahang pure Pinoy na makakapasok sa NBA via draft.

Maaari pa naman makapaglaro si Sotto sa NBA kung mabibigyan ito ng imbitasyon na masila­yan sa aksyon sa NBA Summer League.

Suballit wala pang pormal na anunsiyo si Sotto kung sasabak ito sa Summer League dahil bali-ba­litang babalik muna ito sa Pilipinas para makasama ng Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa ilang FIBA tournaments na nakalinya.

Nagpasalamat si Sotto sa lahat ng Pilipinong nanalangin at sumuporta sa kanyang pangarap na makapasok sa NBA.

Naniniwala si Sotto na isang malaking pagsubok lamang ito ngunit hindi pa rin nawawala ang kanyang hangaring masilayan sa NBA sa mga darating na panahon.

Kaya naman gagamitin ito ni Sotto na maging inspirasyon para mas lalo pang magpalakas at mapaganda ang kanyang laro.

“The dream is always the NBA. I’ll do whatever it takes to get better, to get stronger, to improve. This is just a speed bump,” ani Sotto.

Kung hindi nagtagum­pay si Sotto sa kanyang Plan A, may nakahandang Plan B ang kanyang tropa.

Subalit hindi pa nito inihayag kung ano ang kanyang Plan B.

Kaya naman nakaabang na ang lahat para sa magiging susunod na hakbang nito.

“We didn’t get the plan A but we got a plan B and it’s not gonna stop me. This is not a signal for me to stop but for me to keep on going,” ani Sotto.

Malaiban kay Sotto, hindi rin nahugot sina Remy Martin, Ron Harper Jr. at Boogie Ellis na pare-pareho rin na may dugong Pinoy.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with