^

PSN Palaro

4-0 target ng Lady Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapatatag ang kapit sa liderato ang pakay ng College of Saint Benilde sa pagsagupa nito sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament ngayong araw sa Paco Arena.

Maghaharap ang Lady Blazers at Lady Gene­rals sa alas-2:30 ng hapon matapos ang duwelo ng University of Perpetual Help System Dalta at Mapua University sa alas-12 ng tanghali.

Target ng Benilde na masungkit ang ikaapat na sunod na panalo upang manatiling bukod-tanging koponan na may malinis na rekord.

Solong solo ng Lady Blazers ang liderato hawak ang imakuladang 3-0 baraha.

Kaya naman mataas ang moral nito lalo pa’t ga­ling ito sa panalo laban sa Colegio de San Juan de Letran, 25-14, 17-25, 25-11, 25-15, noong Lunes.

Muling kukuha ng lakas ang Lady Blazers kay Mycah Go na nagtala ng triple-double na 17 points, 17 digs at 14 excellent receptions sa kanilang huling laro.

Makakasama nito sa ratsada sina Jade Gentapa at Michelle Gamit gayundin sina playmaker Cloanne Mondano at defense specialist Angelika Mondejar.

Sa kabila ng magandang rekord, naniniwala si Benilde head coach Jerry Yee na hindi dapat magpakampante dahil marami pang dapat ayusin sa kanyang tropa.

Sa kabilang banda, wala pa ring panalo ang Lady Generals sa tatlong pagsalang para manatili sa ilalim ng standings.

Lumasap ang EAC ng masaklap na 21-25, 17-25, 7-25 kabiguan sa kamay ng Perpetual Help noong Martes.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with