Golden State diretso sa 2-0
SAN FRANCISCO, Philippines — Humataw si Stephen Curry ng 32 points tampok ang anim na three-pointers para banderahan ang Golden State Warriors sa 126-117 come-from-behind win laban sa Dallas Mavericks sa Game Two ng Western Conference finals.
Humakot si center Kevon Looney ng career-high 21 points at 12 rebounds para sa Warriors na bumangon mula sa 19-point deficit sa first half para ibaon ang Mavericks sa 2-0 sa kanilang serye.
“I feel honored just to be a part of the ride,” wika ni Looney.
Nagdagdag si Jordan Poole ng 23 points mula sa bench at may 16 at 15 markers sina Andrew Wiggins at Klay Thompson, ayon sa pagkakasunod.
Tumapos si Luka Doncic na may 42 points, 8 assists at 5 rebounds sa panig ng Dallas na kinuha ang 72-58 halftime lead bago naagaw ng Golden State ang kalamangan sa 86-85 sa pagsilip ng fourth period.
Kumamada ang Warriors ng 43 points sa final canto kumpara sa 32 ng Mavericks para dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa serye.
May 31 markers si Jalen Brunson para sa Dallas na pamamahalaan ang Game Thee bukas.
Huling naglaro ang Golden State sa NBA Finals noong 2019.
Muntik pang magpang-abot sina Warriors reserve guard Damion Lee at forward Davis Bertans ng Mavericks sa second quarter.
Matapos maipasok ang kanyang tres ay pinatid at ibinalibag ni Bertans si Lee na pinilit siyang supalpalin.
Tinawagan sina Lee at Bertans ng double technical foul.
- Latest