^

PSN Palaro

Lady Bulldogs puntirya ang sweep sa Lady Maroons

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ng National University Lady Bulldogs na sakmalin ang first round eliminations sweep sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.

Kaya naman sisikapin nilang makuha ang panalo sa pagsagupa  sa University of the Philippines Lady Maroons ngayong alas-12 ng tanghali sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Tangan ang malinis na anim na panalo, sasandalan ng Lady Bulldogs si Bella Belen na siyang umakbay sa kanila nang talunin ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-10, 25-11, 25-11 noong Martes.

Tumikada si Belen ng 12 points, inaasahang makakatulong niya sa opensa si Ivy Lacsina para manatiling malinis ang karta papasok ng second round.

Pakay naman ng Lady Maroons na kalsuhan ang kanilang three-game skid, sina Nina Ytang at Joan Monares ang kanilang huhugutan ng puwersa.

Samantala, maghaharap ang Adamson University Lady Falcons at University of the East Lady Red Warriors ngayong alas-10 ng umaga, magkatapat naman ang defending champion Ateneo Blue Eagles at University of Santo Tomas Golden Tigresses sa alas-4 ng hapon habang magkakaldagan ang DLSU at FEU sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

UAAP

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with