^

PSN Palaro

Lopez pasikat sa panalo ng Gilas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Lopez pasikat sa panalo ng Gilas
Lebron Lopez.
PSC Pool Photo

MANILA, Philippines — Kinaldag ng Gilas Pilipinas ang Cambodia, 100-32, at nanatiling undefeated sa 5-on-5 basketball ng 31st Southeast Asian Games kagabi sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Halos hindi pinawisan ang Nationals nang umiskor ang lahat ng 12 players nito sa dominanteng 68-point win bilang pambawi sa dikit na 76-73 panalo kontra karibal na Thailand kamakalawa.

Pinakanagningning ang teen sensation na si Lebron Lopez na nagpakawala ng 17 puntos, limang rebounds at dalawang tapal matapos hindi makalaro kontra sa Thailand.

Hindi rin nagpaawat ang PBA rookie at dating Gilas cadet na si Isaac Go sa hinakot na 13 puntos at 12 rebounds habang may 16 markers si cadet Will Navarro.

Saglit na minuto ang nilaro ng PBA veterans sa pangunguna ni June Mar Fajardo na sumalang lang sa walong minuto matapos tumabo ng 28 puntos kontra sa Thailand.

Gigil na maipakita ang tunay na bangis, kumaripas agad ang mga bataan ni coach Chot Reyes sa pambihirang 32-9 abante upang idikta ang tempo ng laban.

Hindi na nakaporma ang Cambodia simula noon matapos kapusin sa double figures sa lahat ng quarters tungo sa ikalawang sunod na kabiguan matapos yumukod kontra sa host na Vietnam, 87-55, para sa 0-2 kartada.

Susubok sa 3-0 rekord ang Gilas kontra Singapore ngayon para sa misyong mapalakas ang hangaring masungkit ang ika-14 na sunod na SEA Games gold medal habang magtatangka sa unang panalo ang Cambodia kontra Malaysia.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with