PBA, players makikinabang sa free agency rule
MANILA, Philippines — Parehong makikinabang ang mga PBA teams at mga players sa ipinatutupad na kauna-unahang unrestricted free agency rule sa liga.
Sinabi kahapon ni top sports agent Marvin Espiritu na kailangan lang takpan ng PBA ang ilang butas na maaaring pagmulan ng kontrobersya sa nasabing bagong patakaran.
“I think it’s beneficial both ways overall. We just need to maybe as we go along plug some holes into it kasi this is something new na na-e-experience natin,” ani Espiritu sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala.
“I think kapag medyo may mga controversial moves or mga controversial na outcome from here, I believe the leaders of the PBA we’ll adjust to it as we go along,” dagdag nito.
Sumalang sa free agency market sina Nards Pinto at Rodney Brondial, kasama sa 2014 draft class, kung saan sila lumipat sa Barangay Ginebra at San Miguel, ayon sa pagkakasunod, matapos mapaso ang kontrata sa Meralco at Alaska.
- Latest