Speed ang armas ni Magsayo vs Russell
MANILA, Philippines — Bilis at bagsik ng kamao ang magiging armas ni undefeated Pinoy pug Mark Magsayo upang maagaw ang korona ni reigning World Boxing Council (WBC) featherweight champion Gary Russell.
Gigil nang sumabak si Magsayo para ilabas ang matatalim nitong suntok na hinasa sa ilang buwang pagsasanay sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.
“I think I’m the fighter who wants to beat him more than anyone else has. I’m here to give him his second loss. I can fight and I can adjust. I have speed just like Gary does. On Saturday, we’ll put our skills up against each other,” ani Magsayo.
Patutunayan ni Magsayo na hindi basta basta kalaban ang mga Pinoy fighter na kilalang walang inaatrasang laban sinuman ang maging kaharap nito.
“Filipinos are born strong, we are warriors. I’m going to bring that attitude and that mentality into the fight,” ani Magsayo.
Nalaman din ni Magsayo ang isyu sa injury ni Russell.
Subalit wala itong balak magpakampante dahil inaasahang ilalabas din ni Russell ang A-game nito para madepensahan ang titulo.
Posibleng taktika lang din ito ng kampo ni Russell, ayon sa ilang sources.
“Gary is a really good fighter. I’ve wanted to fight him for a long time. Now the opportunity is here and I can’t wait for the fight. I’m not expecting any ring rust from Gary Russell,” ani Magsayo.
- Latest