^

PSN Palaro

‘Have money, will travel’ — POC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
�Have money, will travel� � POC

MANILA, Philippines — Ang polisiyang ‘have money, will travel’ ang gagamitin ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa mga atletang hindi mapapabilang sa 584 na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Napilitan ang POC na tapyasan ang orihinal na bilang na 627 atletang isasalang sa Hanoi SEA Games dahil sa kakapusan sa pondo ng Philippine Sports Commission (PSC).

Makakasama ng 584 national athletes sa Hanoi SEA Games ang 161 officials.

Ang 80 atletang iaapela mula sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) ay inilagay sa ilalim ng Group B category.

Sa ilalim ng nasabing kategorya ay hihilingin ng mga atleta sa kanilang mga NSA na sagutin ang travel expenses nila para sa biennial event na nakatakda sa Mayo 12-25.

Kung mananalo ng me­dalya ay ire-reimburse ng PSC ang kanilang ginastos.

Humigit-kumulang sa P200 milyon ang kakaila­nganin ng Team PHL para sa paghahanda at partisipasyon sa Hanoi SEAG.

Lalahok ang naturang 584 national athletes sa 39 sa kabuuang 40 sports maliban sa xiangqi o Chinese chess.

Nakatakdang umalis ang first batch ng mga atleta sa Mayo 6 kasunod ang second batch sa Mayo 10.

Idedepensa ng Team Philippines ang overall championship na nakopo noong 2019 sa hinakot na 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals.

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with