^

PSN Palaro

PBA players makakalaro sa Korean League

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukas ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa pakikipagpalitan ng mga players sa Korean Basketball League (KBL) bilang simbolo ng kanilang kooperasyon.

Ito ay matapos sulatan ni KBL Commissioner Kim Hee-Ok si PBA chief Willie Marcial para patibayin ang kanilang relasyon.

“Gusto nila ng cooperation, strengthening relations and friendship. Gusto nila mag-usap ang PBA at KBL kung ano ang puwedeng gawin,” ani Marcial sa KBL. “Ang sabi ng (PBA) Board okay iyan. (Let’s) engage.”

Ang itinutulak na player exchange program ng KBL sa PBA ang inaasahang magtatampok sa paglalaro ng ilang KBL at PBA pla­yers sa nasabing dalawang liga.

“Gusto niya na mag-usap ang PBA at KBL kung paano magpalitan ng pla­yers,” ani Marcial kay Kim. “Kung ano ang puwede. So, maganda iyon.”

May relasyon na ang KBL at Japan B.League kung saan binuo ng Korean league ang isang “Asian Player Quota” na nagbibigay ng pagkakataon sa kanilang mga koponan na makahiram ng tig-isang Japanese player.

Gusto ng KBL na palawigin ang kanilang Asian Player Quota program sa hangaring makakuha ng ilang players mula sa Pilipinas, partikular sa PBA.

Ilang Pinoy cagers na ang naglalaro sa B.League kagaya ng magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena na kumakampanya para sa Shiga Lakestars, Bobby Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins at Dwight Ramos ng Toyama Grouses.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with