^

PSN Palaro

PLDT humugot pa ng 3 key players

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PLDT humugot pa ng 3 key players
Mean Mendrez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Unti-unti nang binubuo ng PLDT Home Fibr ang lineup nito para sa nakatakdang pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Pebrero 16.

Nadagdag sa High Speed Hitters sina seasoned libero Kath Arado, middle blocker Jessey De Leon at outside hitter Mean Mendrez na pare-parehong galing sa PetroGazz Angels.

Makakatuwang nila sina playmaker Rhea Dimaculangan, Chin Basas, Nieza Viray at Eli Soyud na kasama sa apat na players na na-retain sa lineup ng PLDT.

Magandang reunion ito para kina Arado, Dimaculangan, Basas at Soyud na magkakasama na dati sa Generika-Ayala Lifesavers sa Philippine Superliga.

“Actually, to be ho­nest, ang isang factor na nagdecide na sumali ako sa PLDT is yung magiging teammates ko. Kami nila Ate Rhea, Chin, at Ate Eli, nagsama-sama nun sa Generika. Kilala ko na po sila eh at malaking bagay yun. Hindi ako nagdalawang isip na pumunta dito,” ani Arado.

Suwerte ang High Speed Hitters sa pagkuha kay Arado na reigning Best Libero sa liga.

Malaki ang maitutulong nito kay Dimacula­ngan upang makabuo ng solidong plays sa kanilang mga spikers.

Maaasahan naman sina De Leon at Mendrez sa attacking department gaya ng ginawa ng dalawa noong nasa kampo pa ang mga ito ng Gazz Angels.

Umaasa si Arado na matutulungan nito ang High Speed Hitters sa kampanya nito sa nakatakdang pagbubukas ng PVL Open Conference sa Pebrero 16.

“Goal ko siyempre is matulungan sila Ate Rhea na makabalik sa top 4 muna pero hindi magiging madali yun. Kailangan namin pagtrabahuan at laging mag-improve,” ani Arado.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with