^

PSN Palaro

PBA mapapahaba ang pahinga

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Alert level hanggang January 31

MANILA, Philippines — Mapapahaba pa ang pahinga ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos palawigin ang Alert Level 3 sa buong National Capital Region (NCR).

Mananatili sa mataas na alerto ang Metro Manila hanggang sa Enero 31 base sa pahayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Kaya naman walang magawa ang PBA management kundi ang maghintay sa magiging sitwasyon ng bansa sa mga susunod na araw bago gumawa ng aksyon para sa pagpapatuloy ng PBA Season 46 Governors’ Cup.

Sa kasalukuyan, kanselado pa rin ang scrimmages ng mga teams kaya’t individual workouts muna ang ginawa ng mga koponan para mapanatiling nasa kundis­yon ang mga ito.

Pinag-aaralan na ng PBA ang mga posibilidad na gawin nito para ituloy ang ang season sakaling hindi pa rin humupa ang sitwasyon sa pagpasok ng Pebrero.

Ilan sa posibleng maging tugon ang pagpapatuloy ng liga sa mga kalapit na probinsiya na may mababang kaso ng COVID-19 at nasa mas mababang alert level.

Pinakahuling prayoridad ng liga ang pagsasagawa ng torneo sa isang full bubble setup dahil malaking halaga ang guguguling sa ganitong proseso.

Matatandaang mahigit P50 milyon ang ginastos ng liga nang magsagawa ito ng full bubble noong 2020 sa Clark, Pampanga.

Isa ang full bubble sa mga kundisyon ng IATF para maipagpatuloy ang mga laro sa professional leagues na nagdaraos ng torneo sa lugar na nasa Alert Level 3.

Gayunpaman, optimistiko ang pamunuan ng PBA na magiging maganda na ang sitwasyon sa mga susunod na linggo upang maibalik sa mas mababang alert level ang NCR.

“Parati nating sinasabi na priority ng PBA ang safety ng mga players, coaches and officials. Mas importante ang kaligtasan ng lahat sa mga panahong ito,” ani PBA commissioner Willie Marcial sa kanyang naunang pa­nayam.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with