^

PSN Palaro

Ancajas tutulak pa-Japan sa December 11

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ancajas tutulak pa-Japan sa December 11
Jerwin Ancajas
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tutulak na patungong Tokyo, Japan si reigning International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwin Ancajas upang makaagapay sa malamig na klima doon.

Maagang magtutungo sa Japan ang Team Anca­jas para sa acclimatization.

Nais ni Ancajas na makundisyon ang kanyang katawan sa lamig ng temperatura sa Japan para sa kanyang laban kay World Boxing Organization (WBO) junior bantamweight champion Kazuto Ioka ng Japan.

Nakatakda ang unification bout nina Ancajas at Ioka sa Disyembre 31 sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

Sanay naman na si Ancajas sa malamig na panahon dahil makailang ulit na itong nagsanay sa Amerika na may parehong klima.

Subalit inaasahang mas lalamig pa ang klima sa Japan sa buong Disyembre.

Pagdating sa Japan, kailangan munang sumailalim sa quarantine period ang Team Ancajas sa loob ng tatlong araw.

Kailangan din na nega­tibo ang swab test ng bawat miyembro ng team bago tuluyang makapag-ensayo sa Japan.

Masaya ang Team Ancajas sa blockbuster fight ng Pinoy champion.

Matagal-tagal ding naghintay si Ancajas para makuha ito.

Kaya naman inaasa­hang ibubuhos ni Ancajas ang lahat upang maagaw ang WBO belt ni Ioka.

Sa oras na ma-clear ang lahat ng quarantine at health protocols, agad na sisimulan ng Team Ancajas ang ensayo nito.

vuukle comment

IBF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with