^

PSN Palaro

PBA teams kasado na ang pakikipagrambulan sa EASL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA teams kasado na ang pakikipagrambulan sa EASL
EASL CEO Matt Beyer
Asia League Photo

MANILA, Philippines — Isa ang Philippine Basketball Association (PBA) sa mga ligang sasabak sa unang season ng East Asia Super League (EASL) na ilulunsad sa Oktubre ng susunod na taon.

Bukod sa PBA, kasali rin sa EASL ang Japan B.League, Korean Basketball League (KBL), Chinese Taipei P. League at Hong Kong SAR.

“We’re going straight to the top of the PBA, where the top talent in Philippines congregates,” ani EASL CEO Matt Beyer.

Nauna nang idinaos ng EASL ang pre-season tournament na The Super 8 bago ito pinalobo sa The Terrific 12 na parehong sinalihan ng mga PBA teams na TNT Tropang Giga, San Miguel, NLEX at Blackwater.

Pinapayagan ang bawat koponan na humugot ng dalawang foreign imports bukod sa isang Asian import sa kanilang 12-man rosters para sa bawat EASL game.

Ang top two teams sa PBA, Japan B.League at Korea Basketball League ang lalahok sa torneo at tig-isa naman mula sa Chinese Taipei at Hong Kong.

Ang nasabing regional league sa Asya ay may home-and-away format kung saan hahatiin ang walong koponan sa dalawang grupo na maglalaro ng single round-robin kasama ang Bay Area Chun Yu Phoenixes, ang franchise team ng Hong Kong.

Premyong $1 milyon ang makakamit ng magkakampeon.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with