^

PSN Palaro

IP Games sa Benguet tagumpay

Pilipino Star Ngayon
IP Games sa Benguet tagumpay
Nagtatagisan ng lakas ang mga katutubo sa larong ‘Ginuyudan’ sa idinaos na IP Games sa Benguet.

MANILA, Philippines — Naging maayos ang pagre-record ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Indigenous People’s Games sa layuning panatilihing buhay ang mga tradisyunal na laro ng mga katutubong Pinoy sa Tublay, Benguet.

“Kahit sa panahon ng pandemya, hindi kailangang mapabayaan ang paglinang sa ating kultura at maipakita sa mundo ang anyo ng pamumuhay at matandang tradisyon ng mga Pilipino,” ani PSC Commissioner at IP Games In-Charge Charles Maxey.

Nakipagtulungan si Maxey kay Benguet Gov. Melchor Diclas at sa National Commission on Indigenous Peoples para magawa ang programa base sa ipinapatupad na health and safety protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Nakiisa si Maxey sa isinagawang ritual/cultural dance para matiyak ang tagumpay at maayos na pagsasagawa ng mga aktibidad sa Communal Forest.

Nagsagawa ng kanilang tradisyunal na sayaw na ‘Tinaktakyag’ ang mga miyembro ng Kankana-ey Indi­genous Cultural Community (ICC) at ang ‘Ginalding’ ng Inaloi ICC bago isinagawa ang mga laro.

Ipapalabas ang recor­ding ng IP Games sa Benguet at sa naunang ginawa sa Saranggani sa PSC Facebook at ang pagtatapos ng programa sa final session.

Ayon sa FB page ng PSC-IP, ang huling araw ng pagpapatala para sa natu­rang webinar ay sa Martes simula alas- 9 ng umaga.

vuukle comment

INDIGENOUS PEOPLE’S TRIBE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with