^

PSN Palaro

15-sunod na panalo sa Phoenix Suns

Pilipino Star Ngayon
15-sunod na panalo sa Phoenix Suns
Ito ang ikalawang pinakamahabang streak ng Suns (16-3) sa kanilang franchise history matapos ang 17 dikit na ratsada noong 2006-07 season.
STAR/ File

NEW YORK - Humataw si Devin Booker ng 32 points para banderahan ang Phoenix Suns sa 118-97 paggupo sa Knicks at iposte ang kanilang pang-15 sunod na arangkada.

Ito ang ikalawang pinakamahabang streak ng Suns (16-3) sa kanilang franchise history matapos ang 17 dikit na ratsada noong 2006-07 season.

Tumipa si Booker ng 21 points sa first half para ibigay sa Phoenix ang 57-44 halftime lead patungo sa 72-57 pagbaon sa New York (10-9) sa third period.

Nagtala si Chris Paul ng 14 points at 10 assists para sa Suns na nasa ilalim ng NBA-leading Golden State Warriors sa Western Conference standings.

Sa San Francisco, kumolekta si Stephen Curry ng 32 points, 8 assists at 7 rebounds para igiya ang Warriors (17-2) sa 118-103 paggupo sa Portland Trail Blazers (10-10).

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 25 markers para sa ikaanim na sunod na panalo ng Golden State.

Sa Denver, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 24 points at 13 rebounds sa 120-109 paggiba ng nagdedepensang Milwaukee Bucks (12-8) sa Denver Nuggets (9-10).

Sa Los Angeles, nagtala si De’Aaron Fox ng 34 points, 8 assists at 6 boards para akayin ang Sacramento Kings (7-12) sa 141-137 triple overtime win sa Lakers (10-11).

Sa iba pang laro, dinomina ng Chicago ang Orlando, 123-88; tinakasan ng Pelicans ang Utah, 98-97; binigo ng LA Clippers ang Detroit, 107-96; wagi ang Charlotte sa Minnesota, 133-115; panalo ang Indiana sa Toronto, 114-97; dinaig ng Washington ang Oklahoma City, 101-99; at nanaig ang San Antonio sa Boston , 96-88.

vuukle comment

DEVIN BOOKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with