^

PSN Palaro

Juico naguguluhan sa Ukrainian coach ni Obiena

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maski si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico ay naguguluhan sa magkakaibang pahayag ni Ukrainian coach Vitaly Petrov.

Sa panayam ni Noli Eala sa kanyang programang “Power & Play” ay sinabi ni Juico na nag-ugat ang kanilang im-bestigasyon kay national pole vaulter Ernest John Obiena dahil sa reklamo ni Petrov na hindi siya nababayaran ng suweldo sapul noong 2018.

“Kinausap ako noong September 9 ni coach Vitaly Petrov at saka ni Sergey Bubka. Doon sa pag-uusap na iyon sinabi ni Vitaly na hindi pa raw siya nababayaran since 2018,” litanya ni Juico.

Ang nasabing suweldo ni Petrov, naging coach ng Olympic at world champion na si Bubka, ay nagkakahalaga ng 85,000 euros (higit sa P4.8 milyon) na ipinapasoli ng PATAFA kay Obiena.

“Sabi ko, may pinapadala kaming pera — ang PSC at PATAFA — bakit hindi pa binabayaran? Sabi niya ewan niya,” wika ni Juico sa 83-anyos na si Petrov.

Mariing pinabulaanan ni Obiena na hindi niya nasusuwelduhan si Petrov, ngunit inamin niyang minsan ito ay atrasado dahil sa kanyang paglahok sa mga bigating international competitions.

At sa isang online press conference ay nakasama ni Obiena si Petrov at pinatotohanan ang pahayag ng 25-anyos na atleta na nabayaran siya ng kanyang suweldo.

Ayon sa Southeast Asian Games at Asian record-holder, kung hindi maglalabas ng public apo-logy ang PATAFA ay mapipilitan siyang magretiro at tapusin ang kanyang pag-aaral.

Ibinunyag naman ni athletics coach Jim Lafferty, minsan ay hinahawakan si Obiena, na maraming bansa ang interesado sa Pinoy pole vaulter.

“Long before this happened, there was already a line of people at his door to offer him a passport,” ani Lafferty sa 6-foot-2 na si Obiena. “He is the hottest thing in track and field because he’s gone from No. 30 to No. 10 to No. 8 to No. 5.”

vuukle comment

PATAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with