PBA, PVL bubuksan na sa live audience?
MANILA, Philippines — Umaasa ang Games and Amusements Board (GAB) na pahihintulutan na rin na buksan ang pintuan para sa mga fans na gustong manood sa venue ng Philippine Basketball Association (PBA) at Premier Volleyball League (PVL).
Kaya naman nakikipag-ugnayan na ang GAB sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang alamin ang posibleng maging guidelines sa oras na payagan na ang live audience.
“We’d like to assure eve-rybody that we’re looking at resuming play with audience,” ani GAB chairman Baham Mitra.
Naging batayan ni Mitra ang pagbubukas ng movie houses sa limitadong kapasidad na maaari ring maging format para sa planong pagkakaroon ng fans sa mga venues.
“How? Why are they allowing movie houses to open while they will not allow people to watch the games. So, that’s the template. The movie houses are in enclosed areas. In the planes, no social distancing, it’s all enclosed, air conditioned,” ani Mitra.
Sa ngayon, hindi pa pinapayagan ang mga fans na makapanood ng live sa mga venues.
Ngunit dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa huling dalawang buwan, tiwala ang GAB na mas magiging maluwag na rin ang IATF sa mga patakaran nito.
Isa sa mga itinuturong dahilan ng pagbaba ng COVID cases ay ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga nabibigyan ng bakuna.
Kaya naman nakiki-pag-ugnayan na ang GAB sa Department of Health (DOH) at Philippine Sports Commission (PSC) para sa bubuuing plano sa tangkang pagbabalik ng fans sa mga venues.
“The DOH, GAB, and the PSC are working together and trying to come up with a framework to resume sports with audiences,” ani Mitra.
- Latest