^

PSN Palaro

Yulo may pabuya sa sarili

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo may pabuya sa sarili
Caloy Yulo
STAR/ File

MANILA, Philippines — May ibinigay ding pabuya si world champion Carlos Yulo para sa kanyang sarili matapos ang matagumpay na kampan­ya nito sa 2021 FIG World Championships sa Japan.

Hindi maluho si Yulo na lumaki sa hirap at sanay sa anumang uri ng pagsubok. Kaya naman wala itong hiniling na glamorosong bagay kundi ang isang simpleng bagay lamang — ang pizza.

Matagal nang hindi nakakatikim ng pizza si Yulo dahil sa istriktong diyeta na kailangan nitong sundin upang mapanatili ang mataas na kundisyon ng kanyang pangangatawan.

At nagbunga naman ang pagtitiis ni Yulo dahil nasuklian ito ng isang ginto at isang pilak na medalya sa katatapos na World Championships.

Bigo si Yulo na madepensahan ang kanyang titulo sa men’s floor exercise matapos pumanglima sa naturang event.

Subalit matikas na rumesbak ang Pinoy bet nang pagharian ang men’s vault na sinundan pa ng isang silver-medal performance sa parallel bars upang tanghaling kauna-unahang Pinoy gymnast na naka-double medal sa isang world meet.

Kaya naman karapat-dapat lamang ito sa isang simpleng reward.

“Yung pizza na may chicken masarap po, hindi ko lang nagustuhan yung isa dahil seafood (flavor po siya),” ani Yulo.

Halos dalawang taon na hindi nakatikim si Yulo ng pizza kaya’t naging magandang reward ito para sa kanyang tagum­pay.

Simpleng reward na kapalit ng kumikislap na medalyang ibinigay nito para sa bansa.  

vuukle comment

FIG WORLD CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with