^

PSN Palaro

TNT sa game 1!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT sa game 1!
Umeskapo si TNT rookie Mikey Williams kay Jio Jalalon ng Magnolia sa Game 1 ng PBA Finals.
PBA Image

Mikey Williams bumida sa panalo

MANILA, Philippines — Nang umarangkada ang TNT Tropang Giga sa first period ay hindi na sila naawat ng Magnolia.

Dinomina ng Tropang Giga ang Hotshots, 88-70, para angkinin ang Game One ng 2021 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagposte si rookie guard Mikey Williams ng 21 points, 10 rebounds, 5 assists at 2 steals at nag-ambag ng 14 at 10 markers sina Poy Erram at Troy Rosario, ayon sa pagkakasunod.

“Our entire objective coming in is to make sure that we execute our game plan offensively and defensively,” sabi ni TNT head coach Chot Reyes.

Kaagad kinuha ng Tropang Giga ang 20-2 abante sa first period tampok ang kanilang apat na three-point shots hanggang iposte ang 22-point lead, 43-21, mula sa triple ni Glen Khobuntin sa 5:17 minuto ng second quarter.

Ilang beses nagpilit makalapit ang Hotshots, ngunit nahirapan na silang makabangon mula sa pagkakabaon.

Ang tres ni Williams ang nagtaas sa TNT sa 73-41 sa huling 3:36 minuto ng third period habang tuluyan nang isinuko ng Magnolia ang laban sa pagsisimula ng final canto.

Samantala, bagama’t bumababa na ang mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay mas mi­nabuti ni PBA Commissioner Willie Marcial na tapusin ang championship series sa semi-bubble setup sa Bacolor, Pampanga.

‘Sa tingin namin mas safe ang mga players na nandoon sa Pampanga. Kasi alam na nila iyong mga galawan, wala na sila masyadong nakakasama so sa tingin namin mas safe doon,” wika ni Marcial sa isang virtual press conference.

“Hindi naman natin sinasabi na hindi safe sa Manila pero mas safe doon dahil alam na mga diskarte kung papaano,” dagdag nito.

Napuwersa ang liga na ilipat ang All-Filipino tournament sa Bacolor, Pampanga noong Setyembre matapos sumipa ang mga COVID-19 cases sa Metro Manila noong Hulyo hanggang Agosto.

Kasama ang nilalaruang Ynares Sports Arena sa Pasig City sa nasasakupan ng Metro Manila.

vuukle comment

MAGNOLIA

PBA

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with