Nets giniba ng Bucks; Lakers sapaw sa Warriors
MILWAUKEE — Kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 14 rebounds at 7 assists para pamunuan ang nagdedepensang Bucks sa 127-104 pagbugbog sa Brooklyn Nets sa pagbubukas ng NBA season 2021-22 kahapon.
Nag-ambag sina Khris Middleton at Pat Connaughton ng tig-20 points para sa Milwaukee at may 12 markers si Jrue Holiday na hindi nakalaro sa second half dahil sa bruised right heel.
Bago ang laro ay ipinamahagi ng NBA ang mga championship rings sa mga Bucks players, coaching staff, team officials at owners at ang pagtataas ng kanilang championship banner matapos ang 50 taon.
Binanderahan ni Kevin Durant ang Brooklyn sa kanyang 32 points at 11 rebounds at may 21 at 20 markers sina Patty Mills at James Harden, ayon sa pagkakasunod.
Sa Los Angeles, humataw si Stephen Curry ng 21 points at may 20 markers si Jordan Poole para akayin ang Golden State Warriors sa 121-114 paggiba sa super team na Lakers.
Rumesbak ang Golden State mula sa 10-point deficit sa dulo ng third period para balikan ang Los Angeles na itinampok sina veterans Russell Westbrook, Carmelo Anthony, Rajon Rondo, Dwight Howard at DeAndre Jordan.
Kumolekta si LeBron James ng 34 points at 11 rebounds at tumipa si Anthony Davis ng 30 points at 11 boards para sa Lakers.
Tanging sina James at Davis lamang ang umiskor ng double figures.
- Latest