Yulo nagparamdam agad
MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, umabante si Pinoy pride Caloy Yulo sa finals ng tatlo niyang sinalihang events sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships kahapon sa Kitakyushu, Japan.
Nagtala ang 21-anyos na si Yulo ng best score na 15.166 points para banderahan ang paborito niyang floor exercise event.
Nanguna rin ang 2019 World Championships gold medalist sa parallel bars sa kanyang nahakot na 15.566 points, habang pumangatlo siya saa vault sa mga iskor niyang 14.733 at 14.833 para sa average na 14.808.
Ito ang unang major international competition ni Yulo matapos mabigong makakolekta ng medalya sa nakaraang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan noong Hulyo.
Nakatakda ang finals ng floor exercise sa Sabado, habang sa Linggo naman isasalang ang mga finals ng parallel bars at the vault events
Pinamunuan ni Japanese Hashimoto Daiki ang all-around event sa kanyang 88.040 points.
- Latest