^

PSN Palaro

So kampeon sa US Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Grandmaster Wesley So ang kampeonato sa 2021 US Open Chess Championship na ginanap sa Saint Louis Center, Missouri.

Subalit kinailangan ni So na dumaan sa butas ng karayom bago makuha ang kampeonato.

Magkakasalo sa unahan ng standings sina So, GM Fabiano Caruana at GM Samuel Sevian matapos ang 11 rounds dahilan para mauwi sa three-way playoff tie-break ang labanan upang madetermina ang kampeon.

Ipinatupad ang rapid playoff kung saan naipanalo ni So ang dalawang laro nito laban kina Caruana at Sevian para matamis na kunin ang panalo.

Nagkasya naman sa sosyong ikalawang puwesto sina Caruana at Sevian.

Naibulsa ni So ang $50,000 premyo o katumbas ng P2.5 milyon.

Ito ang ikatlong korona ni So sa US Open.

Nagkampeon na rin ito noong 2017 at noong nakaraang taon.

Pilipino si So subalit nagpalit ito ng chess federation noong 2014 upang maging bahagi ng United States Chess Federation.

vuukle comment

WESLEY SO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with