^

PSN Palaro

Gaballo makikipagsabayan kay Donaire

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gaballo makikipagsabayan kay Donaire
Reymart Ga­ballo
STAR/ File

MANILA, Philippines — Desidido si mandatory challenger Reymart Ga­ballo na ibuhos ang lahat ng lakas nito upang ma­bigyan ng magandang laban si reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

Ngunit higit pa rito ang target ni Gaballo.

Nais nitong maagaw ang hawak na korona ni Donaire upang mabigyan ng ningning ang kanyang pausbong na pangalan.

“Yung focus ko nga­yon kay Donaire. Isa siya sa mga tinitingala ko sa mundo ng boxing kaya malaking karangalan sa akin na makalaban siya,” ani Gaballo.

Kaya naman walang sinasayang na panahon si Gaballo upang masigurong handang-handa ito sa laban.

Pukpukan na ang ensayo ni Gaballo partikular na sa pagpapakundisyon ng kanyang katawan.

“Gusto ko talagang ma­ka­pag­bigay ng magandang laban at manalo. Yun talaga ang nasa isip ko ngayon kaya sobrang focus ako sa training,” ani Gaballo.

Bukod sa matinding pag­sasanay, bantay-sarado rin ang diet ni Gaballo.

Partikular na tinututukan ang pagkain nito ng tama upang mabilis na makuha ang timbang sa laban.

“Kailangan healthy at balanse ang kinakain para hindi mahirapan sa weigh-in. Kasabay nito yung tamang workout,” dagdag ni Gaballo.

Sa Disyembre 11 ang planong petsa ng Donaire-Gaballo fight.

Ipinag-utos ng WBC na depensahan ni Donaire ang titulo nito laban kay Gaballo.

vuukle comment

WBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with