^

PSN Palaro

Bucks, Nets, Lakers at Warriors handa na sa NBA season opening

Pilipino Star Ngayon
Bucks, Nets, Lakers at Warriors handa na sa NBA season opening
Giannis Anteto­kounmpo

WASHINGTON — Target ni Giannis Anteto­kounmpo at ng nagdedepensang Milwaukee Bucks ang kanilang back-to-back titles habang may bagong supporting cast si LeBron James sa Los Angeles Lakers sa pagsisimula ng 2021-22 NBA season bukas (Manila time).

Itatampok sa NBA 75th anniversary season ang pagsagupa ni Anteto­kounmpo, ang NBA Finals MVP, at ng Bucks sa Brooklyn Nets at ang bakbakan ng Lakers at Golden State Warriors.

Itinaas ng Milwaukee ang una nilang championship banner matapos noong 1971 nang pagharian ang nakaraang NBA Finals laban sa Phoenix Suns.

Tumipa si Antetokounm­po ng 50 points, 14 rebounds at 5 blocked shots sa pagsibak ng Bucks sa Suns sa Game Six ng nakaraang NBA Finals.

Lalabanan ng Milwaukee ang Brooklyn na wala si star guard Kyrie Irving na ayaw magpabakuna.

Sa city regulations sa New York, Los Angeles at San Francisco ay pinagbabawalan ang mga hindi bakunado na makiisa sa mga malalaking indoor public gatherings kagaya ng NBA.

Hindi maaaring maglaro si Irving sa mga home games ng Nets at ang karamihan sa mga laro nila sa regular-season contests.

Ipaparada naman ng Lakers sina James at Anthony Davis kasama ang mga bagong hugot na sina Russell Westbrook, Dwight Howard, Rajon Rondo, Trevor Ariza, Malik Monk, Kendrick Nunn at Carmelo Anthony.

Umaasa sina Stephen Curry, Draymond Green, Andrew Wiggins at ang buong Warriors na makakalaro na si Klay Thompson matapos ang Achilles tendon injury.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with