^

PSN Palaro

Pinoy Spikers itutuloy ang training camp

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng men’s national volleyball team coaching staff na maipagpatuloy ang pagsasanay ng koponan upang mapanatili ang ang mataas na lebel ng paglalaro ng tropa.

Ayon kay national team head coach Dante Alinsunurin, magandang masundan agad ang training camp ng Pinoy Spikers bilang paghahanda sa malalaking torneong lalahukan sa susunod na taon.

Kabilang na rito ang 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam kung saan isa ang Pilipinas sa binabantayan matapos makasungkit ng pilak noong 2019 edisyon sa Maynila.

Galing ang Pinoy Spikers sa ninth-place finish sa AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship na ginanap sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Sa pagbabalik sa bansa sasailalim muna sa 10-day quarantine period ang buong delegasyon bilang bahagi ng health protocols ng Inter-Agency Task Force.

vuukle comment

PUNTIRYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with