^

PSN Palaro

NCAA target simulan sa Enero

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi rin pahuhuli ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na target masimulan ang Season 97 sa Enero sa susunod na taon.

Dalawang events muna ang puntirya ng liga - ang basketball at volleyball events.

Plano itong ganapin sa isang bubble format.

Kaya naman pinaplan­tsa na ng NCAA ma­nagement committee ang lahat ng gagamiting health protocols para masigurong ligtas ang lahat.

Kinakailangang nakalinya rin ang lahat sa pa takarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force gaya ng Joint Administrative Order na binubuo ng Games and Amusements Board, Philippine Sports Commssion at Department of Health.

Nakikipag-ugnayan na rin ang NCAA sa mga kinatawan ng Commission on Higher Education (CHED) bago sumulat sa IATF.

Ayon kay Arellano University president Peter Cayco, desidido ang liga na makapagbalik-aksyon na matapos ang mahabang panahon na pagkakatengga ng mga student-athletes.

Hindi na rin magiging problema ang vaccination lalo pa’t pinayagan na ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 12-anyos hanggang 17-anyos.

Maliban sa NCAA, target din masimulan ang UAAP Season 84 sa Peb­rero.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with