^

PSN Palaro

Standhardinger, Sangalang nililigawan ng B.League teams?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Standhardinger, Sangalang nililigawan ng B.League teams?
Christian Standhardinger
FIBA

MANILA, Philippines — Posibleng lumobo pa ang listahan ng mga Pinoy cagers na maglalaro sa Japan B.League.

Ito ay matapos lumutang ang pangalan nina Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra at Ian Sangalang ng Magnolia Hotshots sa mga target ng ilang Japanese squads.

Ayon sa ilang post, nakikipag-ugnayan na ang ilang Japanese basketball teams para makuha ang serbisyo ng dalawang matikas na slotman.

Matatapos na ang kontrata ni Standhardinger sa Gin Kings sa Disyembre kaya’t wala nang magiging problema para sa Filipino-American cager sakaling matuloy ito sa Japan B.League.

Maliban na lamang kung bibigyan ito ng sariwang kontrata ng Barangay Ginebra.

Isang foreign-based agent ang humahawak kay Standhardinger kaya’t mabilis itong makausap ng sinumang teams na nagnanais kumuha sa serbisyo nito.

Napaulat na triple ang magiging sweldo ni Standhardinger sa Japan sa offer ng isang Japanese team.

Sa kabilang banda, matatapos na rin ang kontrata ni Sangalang sa Hotshots kaya’t walang magiging hadlang sakaling matuloy ito sa Japan.

Wala pa namang pormal na kumpirmasyon sina Standhardinger at Sangalang.

Sa kasalukuyan, may walong Pinoy cagers na ang nasa Japan.

Ito ay sina Thirdy Ra­vena (San-En NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Kobe Paras (Niigata Albirex BB), Juan Gomez de Liaño (Earthfriends Tokyo Z), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Javi Gomez de Liaño (Ibaraki Robots) at Kemark Carino (Aomori Wat’s) at Dwight Ramos (Toyama Grouses).

Samantala, libre na ang panonood ng lahat ng Pilipinong nasa Japan sa bakbakan ng team nina Thirdy at Kiefer sa Oktubre 2 at 3.

vuukle comment

CHRISTIAN STANDHARDINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with