Buo ang tiwala ni Austria kay Cabagnot
MANILA, Philippines — Dahil wala pa sa line-up si Terrence Romeo ay hindi nagdalawang-isip si coach Leo Austria na tapikin si Alex Cabagnot.
Isang fadeaway shot ang isinalpak ng veteran point guard sa huling 1.5 segundo para iligtas ang No. 4 San Miguel laban sa No. 5 NorthPort, 88-87, sa Game One ng kanilang quarterfinals series sa 2021 PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.
“He gave me the trust, and he even left me out there, so thank you so much coach. I just wanna say thank you to coach first, and to my teammates,” ani Cabagnot. “They didn’t mind me playing these much minutes.”
Tumapos ang 38-anyos na playmaker na may team-high 20 points mula sa 7-of-13 fieldgoal shooting sa loob ng 22 minutong paglalaro.
Ito ang unang pagsalang ni Cabagnot sa aksyon matapos noong Hulyo 28 dahil sa kanyang knee injury.
“He told me na he will be back. And I know for the fact na siya ay nagpapakondisyon dahil he’s very professional. Alam niya iyong gagawin niya,” wika ni Austria sa No. 2 overall pick ng Sta. Lucia noong 2005 PBA Draft.
Nauna nang naikonekta ni Robert Bolick ang kanyang three-point shot sa huling 5.2 segundo para ibigay sa Batang Pier ang 87-86 lead kasunod ang game-winning shot ni Cabagnot para sa Beermen.
Samantala, nagbalik na sa Pampanga si Romeo, ang three-time scoring champion, at tinatapos na lamang ang quarantine procedure para makabalik sa line-up ng SMB.
- Latest