^

PSN Palaro

Ginebra vs TNT sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra vs TNT sa quarters
Prince Caperal
PBA image

MANILA, Philippines — Hindi na pinakawalan ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang pagkakataon.

Inangkin ng Gin Kings ang No. 8 spot sa quarterfinal round matapos sibakin ang Phoenix Fuel Masters, 95-85, sa kanilang playoff game sa 2021 PBA Philippine Cup kagabi sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Umiskor si Prince Caperal ng 19 points at may 17, 15 at 13 mar­kers sina Stanley Pringle, Christian Standhardinger at Jared Dillinger, ayon sa pagkakasunod.

Ang panalo ng Ginebra ang nagtakda sa kanilang rematch ng No. 1 TNT Tropang Giga, may ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, matapos ang duwelo nila sa nakaraang 2020 All-Filipino Cup Finals sa Clark bubble na pinagwagian ng koponan ni coach Tim Cone.

“We just need to get back to keeping things simple. That was really our game plan keeping things simple,” sabi ni Cone. “We made some adjustments defensively.”

May dala ring ‘twice-to-beat’ bonus ang No. 2 Meralco laban sa No. 7 NLEX.

Sumama naman ang Phoenix sa Terrafirma, Alaska at Blackwater sa paglabas ng Bacolor semi-bubble.

Samantala, tuloy na ang paglalaro ni Kiefer Ra­vena para sa Shiga Lakestars sa Japan B.League matapos payagan ng NLEX at ng PBA.

Nakatakdang magbukas ang B.League season sa susunod na linggo.

Noong Hulyo ay nagtungo si Ravena sa Japan para ayusin ang kanyang mga papeles upang maisuot ang uniporme ng Lakestars.

Bumalik man si Ra­vena sa Road Warriors sa playoffs ng PBA Philippine Cup kagaya ng una nilang napagkasunduan ay sasailalim pa siya sa quarantine bago muling makapaglaro.

Kaagad makakatapat ni Ravena sa kanyang B.League debut ang utol niyang si Thirdy at ang tropa nitong San-En NeoPhoenix.

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with