^

PSN Palaro

Ancajas sasali sa riot sa bantamweight

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ancajas sasali sa riot sa bantamweight
Jerwin Ancajas

MANILA, Philippines — Mapupuno ng Pinoy boxers ang bantamweight division matapos magdeklara si International Bo­xing Federtion (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas na handa itong umakyat ng timbang.

Naghahanda na si Ancajas na sumampa sa bantamweight division kung saan nais nitong makalaban ang mga top boxers sa naturang division.

Kabilang na sa mga listahan ni Ancajas ang kababayang sina World Boxing Council (WBC) champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire at World Boxing Organization (WBO) titlist John Riel Casimero.

Hindi naman na bago si Ancajas sa pagkakataong makalaban ang kapwa Pinoy sa isang world title fight.

Matatandaang nakasagupa na nito si Jonas Sultan noong 2018 sa Fresno, California kung saan nakuha nito ang unanimous decision win para mapanatili ang kanyang IBF crown.

“Sanay na ako makalaban ang kapwa Pinoy sa isang world title fight. Kaya kapag may pagkakataon, gusto kong makalaban ang malalaking boxers tulad ni Donaire,” ani Ancajas.

Nasa bantamweight class din si Japanese fighter Naoya Inoue na nagmamay-ari ng dalawang world titles — ang World Boxing Association (WBA) at IBF belts.

Naghihintay na lamang si Ancajas ng go signal sa kanyang chief trainer na si Joven Jimenez.

Bago tumuntong sa ban­tamweight, target muna sana ni Ancajas na magkaroon ng unification fight upang magkaroon ng engrandeng exit sa super flyweight division.

“Handa na ako (umak­yat ng timbang). Hinihintay ko lang yung decision ni coach kung kailan ang tamang date,” ani Ancajas.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with