^

PSN Palaro

SMB 3x3 player De Guzman iniimbestigahan ng GAB

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
SMB 3x3 player De Guzman iniimbestigahan ng GAB
GAB chairman Baham Mitra
STAR / File

MANILA, Philippines — Pagpapaliwanagin ng Games and Amusements Board (GAB) si San Miguel Beer 3x3 player Daniel De Guzman matapos makaladkad ang pangalan nito sa umano’y game-fixing issue.

Pinadalhan na ng sulat ni GAB professional sports division chief Discoro Bautista si De Guzman upang iparating ang nabalitaan ng ahensiya.

Nakatakda ang isang zoom meeting sa pagitan ng GAB officials at ni De Guzman sa bukas (Biyernes) alas-10  ng umaga upang mabigyan ng pagkakataon ang player na makapagpaliwanag.

“We asked him to explain his side of his story,” ani GAB chairman Baham Mitra.

Isang post sa social media ang kumalat kung saan nagbigay umano si De Guzman ng maling tip sa laban ng San Miguel Beer at Barangay Ginebra noong Setyembre 10.

Nanalo sa naturang laro ang Beermen sa iskor na 111-102.

Itinanggi naman ng kampo ni De Guzman ang alegasyon.

Ayon kay Mitra, mana­natili namang inosente si De Guzman hangga’t hindi napapatunayang sangkot ito sa naturang isyu.

Nakikipag-ugnayan din ang GAB sa pamunuan ng PBA.

Wala pang statement ang SMB management sa nasabing usapin.

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with