^

PSN Palaro

Meralco tangka ang No. 2 seat vs NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco tangka ang No. 2 seat vs NLEX
NLEX coach Yeng Guiao.
PBA Images

MANILA, Philippines — Wala nang ibang nasa isip ang Meralco kundi ang ipanalo ang huli nilang dalawang laro para tuluyan nang makopo ang inaasam na No. 2 seat sa eight-team quarterfinal round.

Lalabanan ng Bolts ang NLEX Road Warriors nga­yong alas-3 ng hapon kasunod ang upakan ng San Miguel Beermen at Alaska Aces sa alas-6 ng gabi sa 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Inupuan ng TNT Tropang Giga (10-1) ang No. 1 spot at hihintayin ang pupuwesto sa No. 8.

Sa quarterfinals ay may dalang ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 1 at 2 teams kontra sa No. 8 at 7 squads, ayon sa pagkakasunod, at magtutuos sa best-of-three series ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at No. 5.

Kasalukuyang nasa two-game winning run ang Meralco na isang panalo lamang ang kailangan para makamit ang No. 2 berth.

Ang kabiguan ng Bolts (7-2) sa Road Warriors (5-5) at Ginebra Gin Kings (4-6) bukas ang magbibigay sa Magnolia Hotshots (8-3) ng nasabing silya.

“We are still ho­ping to avoid the twice-to-beat disadvantage,” ani NLEx coach Yeng Guiao. “B­eating Meralco will give us the chance to make sixth place even if it is not totally under our control.”

Sa ikalawang laro, pupuntiryahin ng San Miguel (6-4) ang No. 4 slot laban sa Alaska (3-6) na pipiliting walisin ang huli nilang dalawang laro papasok sa quarters.

Kung magtatapos ang Ginebra, Alaska, Phoenix at Terrafirma sa magkakatulad na 4-7 baraha ay masisibak ang Gin Kings at Aces at magreresulta sa playoff ng Fuel Masters at Dyip para sa No. 8 spot.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with