^

PSN Palaro

Perez excited nang maglaro sa unang PBA playoffs

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Perez excited nang maglaro sa unang PBA playoffs
Umere si CJ Perez ng SMB laban kina Jason Perkins at Larry Muyang ng Phoenix sa huling laban.
PBA

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon ay maglalaro si San Miguel star guard CJ Perez para sa kanyang kauna-unahang playoff appearance.

“First time ko na makapaglaro ng playoffs dito sa PBA,” sabi ng 6-foot-1 na si Perez na sumalang sa dalawang PBA season para sa Terrafirma na pumili sa kanya bilang No. 1 overall pick noong 2019 PBA Rookie Draft.

Kumamada ang 2019 PBA Rookie of the Year ng mga averages na 21.7 points, 7.3 rebounds, 3.6 assists at 1.9 steals sa 44 games niya para sa Dyip bago nai-trade sa San Miguel noong Enero.

Nagposte si Perez ng mga averages na 16.6 points, 5.0 rebounds, 1.6 assists at 1.1 steals per game sa panig ng Beermen ngayong torneo.

“It’s a matter of effort and focus pagdating sa playoffs,” wika ni Perez. “Very thankful ako na nagtitiwala iyong mga teammates ko and coaches sa akin.”

Samantala, umaasa si San Miguel coach Leo Austria na hindi malubha ang right foot injury ni Terrence Romeo na 10 minuto lamang ang inilaro sa kanilang 110-80 panalo sa Phoenix noong nakaraang Biyernes.

“Terrence naman is a hardworker. I don’t know yet but I’m sure he wants to play dahil pinag-handaan niya ng husto itong tournament na ito,” sabi ni Austria.

Hindi naglaro si Romeo sa 90-100 kabiguan ng Beermen (6-4) sa Magnolia Hotshots (8-3) noong Linggo.

Nauna nang nagkaroon si Romeo ng hyperextended knee sa restart ng komperensya noong Setyembre 1.

Ang huling laro ng San Miguel sa eliminasyon ay laban sa Alaska (3-6).

vuukle comment

CJ PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with