^

PSN Palaro

Hotshots pinasolido ang kapit sa No. 2

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots pinasolido ang kapit sa No. 2
Pumorma si Magnolia star Paul Lee para sa kanyang jumper laban kina Arwind Santos, Chris Ross at CJ Perez ng San Miguel Beer.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pinatibay ng Magnolia ang kanilang pag-asa sa No. 2 spot sa quarterfinals nang patumbahin ang San Miguel, 100-90, sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Humataw si Paul Lee ng 18 sa kanyang 32 mar­kers sa final canto para sa 8-3 record ng Hotshots at makasilip ng tsansa sa ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive.

“We just have to wait. Nagawa namin iyong trabaho namin, nagawa namin iyong dapat naming gawin,” ani Magnolia coach Chito Victolero. “We don’t want to think of the result yet. Ang gusto lang namin is to perform our best.”

Sa pagbaba ng baraha sa 6-4 ay naglaho rin ang pag-asa ng San Miguel (6-4) sa No. 2 spot.

Wala sa kamay ng Hotshots ang pagkopo ng No. 2 seat dahil may dalawang laro pa ang kaagawan nilang Meralco Bolts (7-2).

Inangkin ng TNT Tropang Giga ang No. 1 berth kasama ang bonus sa tinapos na 10-1 kartada.

Itinabla ni Paul Zamar ang Beermen sa 75-75 sa gitna ng fourth period kasunod ang inihulog na 15-6 bomba nina Lee para sa kanilang 90-81 bentahe patungo sa 97-84 kalama­ngan sa huling 2:40 minuto.

Binuhay naman ng NorthPort (5-5) ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos takasan ang Rain or Shine (6-5) sa overtime, 91-88, tampok ang supalpal ni Greg Slaughter kay Gabe Norwood sa pagtunog ng buzzer.

“Ang goal namin, win our last two games,” sabi ni coach Pido Jarencio sa pagpigil ng kanyang Batang Pier sa dalawang sunod na kamalasan matapos magposte ng three-game winning run habang naka-quarantine siya.

Samantala, kinuha ng Blackwater si Ariel Vanguardia na interim coach kapalit ni Nash Racela kasunod ang PBA record na 0-19 baraha ng Bossing.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with