^

PSN Palaro

Never-say-die!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nanganganib ang Ginebra sa PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.

Sa kartadang 4-6, kailangan ipanalo ng defen­ding champion ang last game nito kontra Meralco na maganda ang pinapakita (6-2).

Isang talo pa at halos nasa hukay na sila.

At kapag nagkataon, sila ang magiging unang defending champion sa Philippine Cup na hindi aabot sa quarterfinals.

 Shell ang huling nag-record nito. Nag-champion nung 1999 at nabigong lumampas sa elims nun 2000.

‘Yan ang dapat iwasan ng mga batang Ginebra.

 Sayang dahil matapos ang big win kontra Phoenix, sadsad ang Ginebra sa Alaska nung Friday.

 Hindi maipinta ang itsura ni coach Tim Cone sa bench. Laglag ang balikat at nakatungo.

 Hinayaan na nga niyang mag-coach ang mga assistants niya. Parang nag-pahiyang si coach Tim.

 Pero wa-epek. Olats pa rin.

 Kaya all-out sila sa last game nila. Kung hindi, eh baka worst record na ni coach Tim ito for Ginebra since 2015.

 Inalat sila sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor kung saan dalawang panalo pa lang sila in six games.

Kaya kung pwede lang sana, papasukin na ang die-hard Ginebra fans sa venue sa last game nila sa elims.

Baka yun na lang ang paraan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with