^

PSN Opinyon

Palakasin ang immune system

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Madalas nating marinig ang mga salitang, “Bawal mag­kasakit!” Paano ba tayo iiwas sa sakit? Magagawa natin ito kung mapapalakas natin ang depensa ng ating katawan. Ito ang ating mga white blood cells na pumapatay sa mga mikrobyo, bacteria, virus at cancer cells. May dalawang klase ang white blood cells: ang T cells na gawa ng Thymus gland at ang B cells na gawa ng bone marrow.

Paano sinusukat ang immune system? Puwede nating tingnan ang dami ng iyong white blood cells sa dugo. Ang normal na rami ay 4 to 10. Ang mababa ay 3 to 4. Ang sobrang baba ay wala pang 3. Heto ang mga paraan para maging malakas at masigla ang white blood cells:

1. Palakasin ang white blood cells sa pamamagitan ng pag-inom ng isang multivitamin araw-araw. Kadalasan ay kulang tayo sa zinc, selenium, iron, vitamins B, C at D. Kung tayo’y nagdidiyeta o may sakit, ugaliing uminom ng vita­mins.

2. Kumain ng maberde at mapupulang pagkain tulad ng mga gulay, carrots, kalabasa at kamatis.

3. Mag-ehersisyo pero huwag sobra. Ayon sa isang pagsusuri, mas kaunti ang nagkakasipon kapag regular ang pag-eehersisyo.

4. Mag-relax at magpahinga. Mag-aral ng iba’t ibang paraan para mag-relax. Puwede ang yoga, masahe, medi­tation at pagbabakasyon.

5. Magkaroon ng kaibigan o kapamilya na susuporta sa iyo. Malaki ang maitutulong niyan sa pag-iwas sa sakit.

6. Matulog. Kapag may sakit na, kailangan ng katawan ang pahinga. Ang mahimbing na tulog ay talagang nagpapalakas sa ating katawan. Dito inaayos ng ating katawan ang mga nasirang cells.

7. Huwag masyadong magpaaraw. May tulong ang kaunting araw sa paggawa ng Vitamin D sa katawan. Pero ang sobrang pagpapaaraw ay nakasasama sa immune system.

8. Uminom ng 10 basong tubig. Basta may sakit ka, ka­ilangan mong uminom nang maraming tubig para malabas ang toxins at init sa iyong katawan.

9. Huwag agad agad uminom ng antibiotics. Karamihan ng mga sipon at trangkaso ay galing sa virus. Hindi ito mapapagaling ng antibiotics na pumapatay lang ng bacteria. Ang sobrang pag-inom ng antibiotics ay puwedeng makasama rin dahil nawawala ang mga friendly bacteria sa ating katawan. Magtanong muna sa doktor.

10. Magpabakuna. Mahalaga ang bakuna para maprotektahan ang ating katawan. Sinasanay ng bakuna ang paglaban ng katawan sa mga espesyal na mikrobyo. Sa mga edad 50 pataas, kailangan ng pneumonia vaccine at flu vaccine. Mahalaga rin ang Hepatitis B vaccine at Tetanus vaccine. Sa mga bata, kailangang kumpleto rin ang kanilang bakuna. Magtanong sa inyong doktor.

vuukle comment

IMMUNE SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with