^

PSN Opinyon

Suwangit (masungit na, pangit pa)

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Mula noon, hanggang ngayon, marami pa rin kaming nata­tanggap na reklamo sa pagtataray, pagsusungit, pambabastos at pagiging mainitin ang ulo ng ilang empleyado ng gobyerno.

Hindi na bago ito, ilang presidente na ang nakalipas. Matagal nang pag-uugali ito ng mga empleyadong nasa ahensiya ng gobyerno hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsiya. Lalo na ang nakapasok lamang sa gobyerno dahil sa kapangyarihan ng mayor o ng go­vernor. Daig pa ang hari kung magsiasta, mga langaw na nakatuntong sa kalabaw.

Kapag ikaw ay nasa frontline at humaharap sa tao o publiko, dapat maayos ang iyong postura. Presentable at maayos ang tinatawag na “aura”. Sabi nga, “you have to look the best that you can be.”

Mapa-munisipyo ‘yan, sa Kapitolyo man, sa City Hall, hanggang sa mga tanggapang nasyonal, kayo ay bina­bayaran ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan para pagsilbihan ang mamamayang Pilipino. Tuparin ang inyong mga tungkulin ng may magandang kalooban. Dapat laging nakangiti.

Kaya nga si Tol Erwin na ngayon ay Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary na, nagbabala sa mga empleyado ng kanyang ahensiya. Dapat tratuhin nang maayos at huwag balewalain ang mga taong lumalapit sa DSWD. Mahirap man o mayaman, pagsilbihan ng nakangiti.

Ayan, huwag daw kayong magtaray, magsungit at mam­bastos. Kasi ang pinagsisilbihan n’yo ay ang taumbayan. Payong kaibigan lang, subukan n’yong maglagay ng salamin sa inyong harapan o sa tagiliran. Sa bawat oras nakikita mo ang pagmumukha mo kung nakasimangot ka na, nakakunot na ba ang noo mo, nagsasalubong na ba ang dalawang kilay mo—pumapangit na ang itsura mo—kumambiyo ka na.

Sa iyong pagsusungit, lalo kang pumapangit dahil sa magaspang mong pag-uugali. Tandaan, maraming puwedeng pumalit sa puwestong kinalalagyan mo ngayon kaya iwasang maging suwangit.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with