^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tuunan ng pansin ang agri sector

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tuunan ng pansin ang agri sector

Malaki ang problema ng sector ng agrikultura at nangangailangan nang malawak na atensiyon. Hindi ito dapat balewalain. Kapag binalewala ang problema, maraming Pinoy ang mamumuti ang mga mata sa gutom. Nakakahiya kapag nangyari ito sapagkat agrikultural na bansa ang Pilipinas.

Sa mga nakalipas na taon, nakadepende ang bansa sa pag-import ng agricultural products gaya ng bigas, asukal, isda at maski gulay. Wala nang ginawa kundi ang umangkat nang umangkat ng bigas sa Thailand, China at Vietnam. Ayon sa mga naging pinuno ng Department of Agriculture (DA), kakapusin daw ang suplay ng bigas kaya kailangang mag-import. Marami umano ang magugutom kapag hindi nag-import. Hanggang sa masanay na sa ka­i­­-import at hindi na gumagawa ng paraan kung paano mapaparami ang lokal na ani. Maraming nakatiwang­wang na lupain na hindi na pinagsikapang bung­kalin para matamnan ng palay at iba pang pananim na makatutugon sa pangangailangan. Mas mabilis nga naman ang bumili ng imported na bigas kaysa magtanim.

Sa nakaraang Duterte administration masyadong nagdepende ang bansa sa imported na bigas, asukal at isda. Kamakailan, inaprubahan ni outgoing Agriculture Secretary William Dar ang importasyon ng asukal at isda. Sinisi pa ni Dar ang local govern­ment units (LGUs) kung bakit nagkakaroon ng ka­ka­­pusan sa pagkain at kailangang mag-import. Ka­katwa namang nasangkot ang mga opisyal ng DA na protector ng smugglers ng gulay. Maging ang mga taga-Customs ay dawit din sa smuggling ng agri products.

Sa talumpati ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes, ipinangako niya na makakamit ng bansa ang food self sufficiency at babawasan ang pag-import ng pagkain. Sabi niya ang pagpaparami ng pagkain ang nararapat sapagkat ito ang kailangan ng mamamayan. Ito umano ang kanyang tututukan bilang kalihim ng agrikultura. Sa ibang bansa, ayon kay Marcos, ang sector ng agrikultura ang prayoridad at binubuhusan ng suporta.

Kapag nangyari ang mga sinabi ni Marcos, wala nang imported na kanin sa hapag ng mga Pilipino. Ito ang nararapat mangyari.

vuukle comment

AGRIKULTURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with