^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabibigat na mga hamon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mabibigat na mga hamon

Nanumpa na kahapon si Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 presidente ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati, hiniling niya ang pagkakaisa ng mga Pilipino para makamit ang tagumpay. Sabi niya babangon muli dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan. Ang pag-asa ng mamamayan ay kanya ring pag-asa at ang pag-asa ay para sa kinabukasan ng mga anak. Hindi raw mabibigo ang mga nagtiwala sa kanya. Magsisilbi raw siya at handang harapin ang mga hamon sa panunungkulan.

Mabibigat ang mga hamon na haharapin ni Marcos sa pagsisimula ng kanyang termino ngayong araw na ito. Eksakto sa kanyang pag-upo ay ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin, pagtaas ng pasahe at ang hindi mapigilang oil price increase. Sa Martes, inaasahan na naman ang pagtaas ng diesel at gasoline at panibagong pasanin na naman ito sa mga motorista.

Patuloy ang pagbagsak ng piso laban sa dollar na sa kasalukuyan ay umaabot na sa P55 sa bawat $1. Ang pagbaba ng halaga ng piso ay nag-uugat din sa pagtaas ng presyo ng langis.

Malaking hamon din kay Marcos ang pandemya na sa kasalukuyan ay hindi pa tuluyang humuhupa. May mga tinatamaan pa rin ng COVID-19 at ayon sa health expert, posibleng tumaas ang kaso sa Hulyo.

Isa sa itinuturing na malaking hamon sa ad­ministrasyong Marcos ang patuloy na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea. Kamakailan lang, sinundan na naman ng China Coast Guard ang sasakyang bangka ng mga Pinoy na maghahatid ng supply sa Ayungin Shoal. Paulit-ulit itong ginagawa ng China sa kabila na teritoryo ng Pilipinas ang Ayungin base sa arbitrary ruling noong 2016. Sinabi minsan ni Marcos na hindi siya papayag na makatapak ang sinuman sa pag-aari ng Pilipnas. Ipaglalaban umano niya ang soberanya ng bansa.

Mabibigat ang mga haharaping hamon. Patunayan ni Marcos na kaya niya itong harapin. Patunayan din na mali ang sinasabi ng mga kumukontra sa kanya. Kapag nagawa niya, mawawala ang alinlangan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with