^

PSN Opinyon

This is the day

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Pagkapanumpa ngayon sa tungkulin bilang presidente­ ng Pilipinas ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bagong kabanata ang magbubukas sa kasaysayan ng Pilipinas.

At para mawalan na ng dahilan sa kanilang protesta ang mga grupong tumututol sa kanyang pag-upo bilang­ presidente, dalawang araw bago ang inagurasyon ngayon ay ganap nang ibinasura ng Korte Suprema ang lahat ng petisyon para sa kanyang diskuwalipikasyon.

Manahimik na sana ang mga tumututol sa kanya alang-alang sa ikabubuti ng ating bansa. Ayaw natin ng bansang walang katatagan dahil sa civil unrest na mananatili kung naririyan ang mga kilos-protesta.

Final and executory na ang desisyon ng Korte bagama’t ang tanging magagawa pa ng mga nabigong petitioners ay magharap ng motion for reconsideration. Huwag na sanang gawin iyan. Ito’y para matutukan ni Marcos, Jr. ang mga extra-ordinaryong problema ng bansa sa isang hindi karaniwang panahon.

Hindi pa humuhupa nang tuluyan ang COVID pandemic ay sumiklab ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagbunga ng pandaigdig na economic crisis. Hindi pa rin naaawat ang China sa pananakop sa mga karagatan pati na sa mga nasa teritoryo ng Pilipinas.

Mas mabigat ang problemang haharapin ni Marcos kaysa sa pinalitan niyang Duterte administration. Mabi­bigo siya sa pagresolba sa mga problemang ito kung sasabayan pa ng political crisis dulot ng mga nagagalit sa kanya.

Si Leni Robredo ang aking ibinoto, subalit si Marcos Jr. ay inihalal ng higit na nakararaming 31 milyong Pilipino. Sa halip na labanan siya, magsama-sama tayong Pilipino upang maiahon na ang ating bansa sa mga krisis na kinasasadlakan nito.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with