^

PSN Opinyon

Bata, kinadena ng obispo

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Isang nakababahalang video ang ipinadala sa BITAG noong Lunes. Makikitang kinakalagan ng kadena ang isang bata na nakagapos sa poste.

Ayon sa ina ng bata, ang obispo raw ng isang sekta sa kanilang lugar ang nagkadena sa bata.

Sa kuwento ng mga kapitbahay na saksi, pinagbibintangan daw ng obispo ang bata na nagnakaw ng bakal.

May dalawa pa raw batang kasama ang biktima. Su­balit nakatakbo ang dalawa at ang bata ang naabutan ng obispo.

Tinalian daw ng obispo ng kadena ang bata sa bay­wang saka itinali sa poste. Ayon sa saksi, malapit sa bahay niya ang posteng pinagtalian sa bata.

Siya rin daw ang nagtanggal ng kadena sa baywang ng bata. Umiiyak ang bata sa video dahil hindi na ito maka­hinga sa higpit ng pagkakadena.

Kahapon, hindi ko na makausap ang saksi. Natatakot daw ito sa obispo dahil makapangyarihan daw ito sa kanilang lugar kaya nagdesisyon na tumahimik na lang.

Kami sa BITAG ay nagsasabi na hindi dapat ito nangyayari. Una sa lahat, kapag walang nakialam sa mga ganitong kaganapan, mangingibabaw ang mga abusado’t sira ulo.

Sila ang maghahari-harian dahil walang makikialam.

Sa sumbong na ito na pagkadena sa bata, naging inutil ang barangay at ang Municipal Social Welfare Department (MSWD) sa Inopacan, Leyte.

Sagot daw ng barangay captain nang lumapit ang ina ng biktima, bumalik na lang sa katapusan dahil busy pa siya.

Ang MSWD naman, imbes dalhin sa pulis pinabalik pa ang ina ng biktima sa barangay. Hindi na pambarangay ang kasong ito, mga obob!

Mantakin n’yo, isang obispo, alagad ng Diyos, nilagay ang batas sa kanyang kamay at nangastigo ng 9-anyos na bata. Malinaw na child abuse ito.

Sinubukan ng BITAG na tawagan ang obispo subalit ilang beses nitong dine-decline ang aming tawag.

Kahapon, pormal nang umabot sa Womens and Child Desk ng Inopacan police ang reklamo. Sumang-ayon ang mga pulis na may paglabag na naganap at pang-aabuso sa bata.

Kaya magbabantay kami sa BITAG.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with