^

PSN Opinyon

‘It takes two to tango’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Itong mga nasa likod ng pagpupuslit o smuggling ng mga agri­culture products sa ating bansa, hindi magiging matagum­pay kung walang kasapakat. Hindi puwedeng sumayaw mag-isa ang Department of Agriculture (DA) na walang kapartner. Sabi nga, it takes two to tango.

Kaya ang resulta, nabibigyan ng proteksiyon ang mga putok sa buho’t pendehong smugglers dahil sa kanilang mga patron mula sa DA at Bureau of Customs (BOC).

Tandaan, ang lahat ng permit sa mga papasok na produkto sa bansa ay magmumula sa mga industriyang kinabibilangan ng produkto. Hindi lang mga magsasaka ang apektado rito, kundi buong bansa. Hindi nabubuwisan ang mga puslit na produktong pumapasok sa Pilipinas.

This is economic sabotage kung saan bilyon-bilyong piso ang hindi pumapasok sa kaban ng bayan. Malaking pera na dapat sana’y makakatulong na magamit ng gobyerno para sa taumbayan.

Sabi ni Senate President Tito Sotto, ilang matataas na opisyal mula sa DA at BOC ang nasa listahan ng mga pinaghihina­laang smuggler at protektor sa mga pinupuslit na produktong-agrikultural.

Ayon kay Sotto, nasa kamay na raw ni Pres. Bongbong Marcos ang mahiwagang listahan. Ang nasabing listahan ay mula sa report ng National Intelligence Coordination Agency (NICA). Isa sa mga nakikitang dahilan ng paglaganap ng smuggling ay ang kabiguan na i-digitalize ang transaksiyon sa pagpasok ng mga produktong inaangkat mula sa ibang bansa.

Ako talaga ay naniniwala na dapat ng gumamit ng digital technology ang bawat ahensiya ng gobyerno. Matagal nang sina­sabi na dapat ma-digitalize na ang sistema ng mga papasok ng mga produkto sa Bureau of Customs. Subalit bakit ayaw? Mas nanaig ang kutsabahan.

Ngayon, etong sinasabing mga personalidad na nasa listahan na umano’y protektor at kasapakat sa smuggling ng agri­culture products sa bansa—dapat mahingian ng panig. Bigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag, maimbestigahan kung bakit naroon ang kanilang mga pangalan.

Ako mismo nakaranas kung paano akusahan, inimbi­tahan sa Senado pero hindi binigyan ng tsansang makapagpaliwanag­. Dahil­ sa mga nagmamagaling na senador na nagkuwento ng kanilang glory days. ‘Yung ilang bastos na senador na hindi pa tapos magsalita ang resource person, binabara na. Ewan ko na lang sa mga bagong senador ngayon.

vuukle comment

DA

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with