^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itigil, quarrying sa Marikina Watershed

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil, quarrying sa Marikina Watershed

Wala pang pinapangalanan si president-elect Ferdinand Marcos Jr. na uupong Environment secretary. Maselan ang posisyon na ito sapagkat nakaatang sa balikat ng pinuno ang bigat nang dina­ranas na pagkasira ng mga bundok, watershed at iba pa dahil sa ilegal na pagmimina, quarrying, at iba pang salot sa kapaligiran. Ang pagkasira ng mga bundok ang dahilan ng grabeng baha na nararanasan ngayon. Maraming panot na bundok ang nabibiyak at uma­agos mula rito ang putik at mga bato at inililibing nang buhay ang mga residenteng nasa paanan.

Ganito ang problemang kinakaharap kapag hindi napigilan ang pagmimina, quarrying at resort cons­truction sa Masungi Upper Marikina Watershed sa Baras, Rizal. Kapag hindi ipinatigil ang mga ginaga­wang ilegal na aktibidad sa nasabing protected area, babaha sa Metro Manila. Nakalulunos ang maaring mangyari kapag hindi naputol ang mga ginagawang paghuhukay sa reserve areas. Ang Marikina watershed ay napagkalooban ng proteksiyon sa ilalim ng Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

Ang large scale quarrying sa lugar ang labis na pinangangambahan ngayon. Umaabot sa 1,300 ektarya ng watershed protected area ang nasakop na ng quar­rying operations. Kamakailan, ang mga mayor ng Mari­kina, Quezon City, Muntinlupa at Pasig ay na­nawagan sa DENR na kanselahin ang mineral production sharing agreements (MPSA) na inisyu sa quarrying firms, su­balit walang pagkilos ang nasabing tanggapan.

Noong nakaraang Abril, ang Masungi Georeserve Foundation sa Baras ay umapela na kay President Duterte at kay DENR Sec. Jim Sapulna na kanselahin ang MPSA sa Upper Marikina Watershed upang mapi­gilan ang panganib na idudulot ng mga ginagawang aktibidad sa lugar. Ang grupo ng Masungi ang nagpapanatili at nagre-rehabilitate sa portion ng watershade.

Payo ni Duterte sa Masungi Foundation, sampahan­ ng kaso ang mga sumisira sa Marikina Watershed. Ipinag-utos niya ito sa kalihim ng DENR at sa Anti-illegal logging Task Force. Ayon sa Presidente, nangangamba sila sa nangyayaring illegal activities sa watershed.

Bagamat may direktiba na ang presidente, hindi rin kumilos ang DENR at iba pang ahensiya para mapigil ang quarrying operations sa lugar. Ayon sa report “malalaking pulitiko” ang may-ari ng quarrying kaya hindi maipatigil.

Malaking hamon sa bagong DENR secretary ang kalagayan ng Marikina Watershed. Ipatigil ang quarrying bago maging huli ang lahat.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with