^

PSN Opinyon

Ang patibong ng China

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mag-ingat sa tinatawag na”debt trap” diplomacy ng China. Mayaman ang China at kayang-kayang pauta­ngin nang malaking halaga ang mga pobreng bansang mahigpit ang pangangailangan ng pondo.

Unlimited ang iaalok na tulungan ng China pero kapag wala nang kakayahang magbayad ang isang bansa, saka ito iipitin sa mga konsesyong politikal. At pangkabuhayan na paborable sa naturang bansa.

Sa harap ng mga problema ng Pilipinas, salapi ang ma­higpit na pangangailangan nito. Nag-aalok ang China nga­yon ng pagsusuplay sa atin ng mga produktong­ agrikultural. May mga nakaraang utang pa tayo sa China­ sa termino ni Presidente Duterte na hindi pa naba­bayaran.

Ang sabi ng embahador ng China sa uupong bagong presidente ng bansa na si Bongbong Marcos, gagawin ng pamahalaan niya ang lahat para matulungan ang Pilipinas sa kakulangan sa pagkain. Dapat masusi munang suriin ni Marcos, Jr. kung gagawa ng kasunduan at alamin ang lahat ng kondisyon bago lagdaan upang umiwas tayo sa kapahamakan.

Maganda ang alok upang tuparin ni Marcos, Jr. ang kanyang mga pangakong pagpapababa sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura, lalo na ang bigas. Pero nani­niwala akong may angking talino naman siya upang kilatisin ang mabubuong kasunduan.

Sabi nga, mas mabuting matuto tayo mula sa kara­nasan­ ng iba kaysa tayo ang dumanas ng kapahamakan. Ang debt trap ay isang terminolohiya sa International finan­cing na dito’y nagbibigay nang malaking pautang ang isang mayamang bansa sa mga mahirap na bansa upang magtamo ng political leverage.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with