^

PSN Opinyon

15 tips para iwas kanser

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Nakakatakot ang sakit na kanser dahil mahirap itong gamutin. Sa kanser, ang mga selula ng katawan ay bigla na lang nagbabago ng anyo at nagiging masama. Hindi pa alam ng mga doktor ang tunay na sanhi nito.

May kanser sa utak, baga, ilong, atay, bituka, colon, pancreas at balat. Iba’t ibang lugar ang pinagmumulan. Ang paniniwala ng mga cancer specialist ay may mga “trigger” o nagpapasimula ng kanser.

Narito ang mga payo ukol sa kanser. Hindi pa tiyak, pero magandang sundin pa rin ito:

1. Iwas sa sigarilyo at alak para makaiwas sa kanser sa baga, atay at tiyan.

2. Iwas sa polusyon at usok ng sasakyan.

3. Iwas sa matitinding sikat ng araw. Gumamit ng sunblock. Puwede kasi itong magdulot ng kanser sa balat.

4. Iwas sa mga sunog na pagkain o “smoked” foods tulad ng mga tinapa at barbeque. Puwede kasing may mga nagdudulot ng kanser dito.

5. Magbawas sa alat tulad ng patis, toyo, bagoong, alamang. Hindi pa ito tiyak, pero ayon sa espesyalista, puwedeng magising ang mga selula natin at maging kanser ang mga ito.

6. Iwas sa mga lamanloob tulad ng bopis, dinuguan, bituka at iba pa. Hindi po ito malinis at baka magdulot ng masama sa katawan.

7. Iwas sa pagkaing kalye. Umiwas sa mga maruruming pagkain sa kalye tulad ng fishball, kwek-kwek at betamax.

8. Magbawas sa pagkain ng “processed meats” tulad ng hotdog, longganisa, sausage, bologna at iba pa.

9.Magbawas sa pritong pagkain.

10.Iwas sa karneng baka at baboy. Tanggalin ang lahat ng taba.

11.Kumain nang maraming gulay at prutas. Puwedeng kumain ng manok paminsan-minsan. Mas mahaba ang buhay ng mga vegetarian.

12.Iwas sa galit, inis at iba pang negatibong emosyon. Naniniwala ako na ang positibong pananaw sa buhay ay makapagpapalakas ng katawan at magpapahaba rin ng inyong buhay.

13.Maging aktibo at mag-exercise palagi.

14.Alamin ang inyong lahi. Kung may lahi kayo ng breast cancer, magpasuri ng suso tuwing ika-anim na buwan. Kung may lahi kayo ng kanser sa tiyan, magpa-ultrasound o CT Scan ng tiyan.

15.Magpa-check up sa doktor kada anim na buwan. Ikonsulta ang kahit anong nararamdaman. Makatutulong ang doktor para makita ang inyong sakit.

Gawin ninyong misyon ang mabuhay nang malinis, masaya at mahaba. Kung susundin ang mga payo na ito, siguradong hahaba ang inyong buhay.

vuukle comment

KANSER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with