^

PSN Opinyon

RD ng PNP na di nagdeliber kay BBM, sisibakin!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

FLASH Report: Ang maunang tatamaan sa napipintong balasahan sa Philippine National Police (PNP) ay ang mga Regional Directors na hindi nagdeliber para kay incoming­ President Bongbong Marcos nitong nakaraang May elections. Hindi sila makakalimutan ni Ka Popong Felix kaya’t numero uno sila sa listahan na tatamaan.

Kung sabagay, maraming RD at hepe ng Support Units ang madadale subalit itong RD na hindi tumalima sa re­quest na security ni BBM noong kampanyahan ang unang tatamaan ng kidlat. Lalo na sa area na olats si BBM. Hehehe! Kapag minalas sila, baka sa kangkungan ang bagsak nila, di ba mga kosa?

Paano kasi, may mga RD na patumpik-tumpik pa sa request ng kampo ni BBM na security, lalo na ‘yaong nag-kukuwestiyon pa sa mga tumawag sa kanila. Dipugaaaaa! Hindi na natin sila pangalanan mga kosa, subalit sa Camp Crame putok na ang names nila, di ba Dong? Hak hak hak! Weder-weder lang talaga!

* * *

Pinuri ng Commission on Audit (COA) ang City govern­ment ng Mandaluyong dahil sa pagkamit nito ng unmodified/unqualified opinion sa isinagawang city’s Annual Audit report para sa Year 2021. Sa sulat na tinanggap ni Mayor Menchie Abalos nitong June 20, sinabi ng COA Government Audit Sector na ang financial statements ng siyudad para sa year 2021 “is sufficient and appropriate to a basis for our unmodified/unqualified opinion.”

Itong sinasabing unmodified/unqualified opinion mga kosa ay ang pinakamataas na marka na iniisyu ng COA matapos rebisahin at matuklasan ng kanilang mga auditors­ na ang kanilang financial statements na isinumite ng LGU “is in accordance with the International Public Sector Accounting Standards (IPSAS). Bunga ng IPSAS, nangahu­lugan na ang financial statements of siyudad tungo sa strategic programs, services at policies na ipinatupad ay nakuber ng independent audit report na walang misstatements. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Mabuhay si Mayor Men­chie Abalos! 

Kasama sa audit ay ang statement of financial position ng city government as of December 31, 2021, ang statement of financial performance, statement of changes in net asset/equity, at statement of cash flows matapos ang taon. May kasama pa itong notes para sa financial statements kung saan nakasaad ang summary ng significant accounting policies.

“We are grateful to have satisfied the requirements of the auditors,” ani Mayor Abalos. “This assures that the city’s financial statements are well managed so that basic services to constituents are delivered effectively and efficiently despite the second year of the pandemic,” ang giit pa n’ya. Si Mrs. Abalos ay papalitan ng kanyang biyenan na si dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr., sa Hulyo. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan, mga kosa? Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with