^

PSN Opinyon

Maling akala

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

Sikat na wedding coordinator si Noemi. Marami siyang kliyente. Isa sa kanyang mga kliyente ay sina Rose at Jim. Noong araw ng kanilang kasal ay pumunta sa hotel si Noemi kung saan tumutuloy ang magpapakasal at kanilang mga kaanak.

Pagpasok sa hotel, marami nang tao. Naroon ang bride at groom, kanilang mga magulang, ang make-up artist at mga alalay nito, ang photographer at mga tauhan, ang fashion designer na gumawa ng trahe de boda at ang tiyahin ng bride na si Melanie.

Matapos magpakita sa bride, lumabas na si Noemi para asikasuhin ang iba pang detalye ng kasal. Dala niya ang iba pang gamit tulad ng mga regalo sa ninong at ninang ng ikakasal. Pumunta siya sa restawran kung saan gaganapin ang kainan. Binayaran niya ang mga supplier at ang meal allowance ng banda na tutugtog sa kasal. Pagkatapos ay bumalik siya sa hotel at dumiretso sa kuwarto ng ikakasal. Napansin niya ang masamang tingin ng lahat ng tao sa kanya.

Iyon pala, sa kanyang paglabas ng kuwarto ay nadiskubre raw ni Melanie na nawawala ang dalawang singsing na diyamante pati terno ng hikaw, pulseras at kuwintas na diyamante nito na nagkakahalaga ng P1-milyon.

Nakalagay daw ang alahas sa loob ng isang supot na papel na ipinatong sa loob ng banyo. Sa harap nang maraming tao, sinigawan ni Melanie si Noemi at pinaratangan na: “Ikaw lang ang lumabas ng kuwarto? Nasaan ang dala mong bag. Saan ka pumunta, ikaw ang kumuha.”

Tinawag na rin ang security ng hotel para maghanap sa nawawalang alahas. Isa-isa nilang binuklat ang gamit ng lahat ng tao sa lugar. Pati si Noemi ay kinapkapan sa buong katawan, paulit-ulit na tinanong at binuntutan ng security hanggang gabi. Maya-maya pa, dumating ang mga pulis at sunod na nagsagawa ng interogasyon sa lahat ng taong naroroon.

Kinunan din sila ng fingerprints pati si Noemi. Sa buong oras na tinatanong si Noemi ay paulit-ulit na sinasabi ni Melanie na “siya lang ang lumabas ng kuwarto” kaya pati kotse ni Noemi ay hinalughog ng mga pulis pero wala pa rin silang nakita.

(Itutuloy)

vuukle comment

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with