^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Corruption sa Bureau of Immigration

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Corruption sa Bureau of Immigration

Matagal nang may nangyayaring corruption sa Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sangkot dito ang mga opisyales at empleyado ng BI na pinagkakaperahan ang mga dayuhan (partikular ang mga Chinese) na nais makapasok sa bansa kapalit nang malaking halaga. Hindi lang Chinese kundi pati mga Koreano. Kahit na kaduda-duda ang dokumento ng mga dayuhan, pinapapasok kapalit nang malaking halaga.

Ngayong malapit nang matapos ang termino ni President Duterte, saka naman nagkukumahog si Immigration Commissioner Jaime Morente na linisin­ sa mga corrupt ang BI-NAIA.

Ipinag-utos ni Morente ang reshuffles ng 398 offi­cials at personnel sa Bureau of Immigration-NAIA para umano ma-curb ang corruption doon. Ang pag­balasa sa 398 officials ay dahil na rin sa rekomen­dasyon ng BI port operations division.

Bakit kung kailan matatapos na ang Duterte admi­nistration saka magkakaroon ng reshuffles sa BI-NAIA. Sana noon pa ito ginawa para naman nabawasan kahit paano ang mga korap sa nasabing tanggapan. Kung kailan marami nang nahuthutan ang mga korap saka magkakaroon ng pagbabago.

Hindi malilimutan ang ‘‘pastillas scam’’ sa NAIA na pinauso ng mga corrupt BI officials doon. Sa nabulgar na ‘‘pastillas’’ sa pamamagitan ni Sen. Risa Hontiveros­, na inimbestigahan sa Senado, P40 bilyon ang naibu­bulsa ng mga korap sa Immigration dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa mula 2017.

Sa ‘‘pastillas’’ scheme, lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para ma­ka­pasok nang walang aberya sa bansa. Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay bini­bilot na hawig sa matamis na “pastillas.’’

Huli na ang ginagawang reshuffles sa BI-NAIA sapagkat­ marami nang naibulsa ang mga korap na opisyal­ doon. Inaabangan ang bagong administrasyon ni Bongbong Marcos kung sino ang iuupo niya sa BI. Kailangang maging matalino si BBM sa pagpili sa BI commissioner para naman hindi maging pugad ng mga matatakaw na ‘‘buwaya’’ ang Immigration.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with