^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming umaalis na healthcare workers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming umaalis na healthcare workers

Hindi pa lubusang nawawala ang COVID-19 sa bansa. Bagama’t mababa na ang kaso, mayroon pa ring nagkakasakit. Sa Metro Manila, umakyat sa 19 percent ang pagtaas. Pinangangambahan na tataas pa dahil sa katatapos na election, Sinabi ng health experts na makikita ang pagtaas ng kaso, pagkalipas ng dalawang linggo makaraan ang May 9 elections. Bukas (Mayo 23) ang ikalawang linggo.

Habang may agam-agam sa pagdami ng kaso ng COVID, nabalita naman ang bagong sakit na monkeypox­. May naitala na umanong kaso sa North America at Europe­. Sintomas ng monkeypox ang pananakit ng ulo at kasu-kasuan at pagkakaroon ng kulane sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa Department of Health (DOH) mahigpit na binabantayan ang mga dayuhan na papasok sa bansa.

Narito pa ang COVID at hindi pa umaalis. Ang nag­hahatid ng pangamba ngayon ay ang maramihang pag-alis ng mga healthcare workers, partikular ang mga nurses. Ayon sa report, maraming nurses ang umaalis sa mga pribadong ospital at nag-aaplay ng trabaho sa London at Middle East partikular sa Kuwait­ na nanga­ngailangan nang maraming nurses. Malaki ang inio-offer na sahod sa mga mag-aaplay sa Kuwait.

Sinabi ng Private Hospitals Association of the Phi­lippines (PHAPI) noong Biyernes na problemado ang ilang pribadong ospital dahil unti-unti nang nauubos ang kanilang nurses.

Sabi ni PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano, malaking problema ang pag-alis ng mga nurses sapag­kat hindi na sila mapigilan sa pag-aaplay sa ibang bansa. Mayroon naman umano na lumilipat sa govern­ment facilities na mas malaki ang sahod kumpara sa pribadong ospital. Ayon kay De Grano, sinisikap nang tapatan ng mga pribadong ospital ang P33,000 na suweldo sa government hospital.

Sa Philippine General Hospital ay marami na ring umaalis na nurse para mag-abroad. Sabi ni PGH spokes­person Dr. Jonas del Rosario maraming nagre-resign ngayon kaya nananawagan siya sa mga bagong nars na mag-apply. Marami umanong bakante ngayon hindi lang sa ICU at operating room kundi pati sa mga ward.

Malaking sahod at benepisyo. Ito ang dapat ibigay sa healthcare workers para hindi na sila mag-abroad pa. Hindi na nila hahangaring mangibang bansa kung sapat ang suweldo.

Ngayong nagbabanta ang pagdami ng sakit, lubhang kailangan ang mga nurses. Paano kung maubos na sila? Dapat limitahan muna ang deployment ng mga nurses para hindi magkaroon ng kakapusan sakali’t may panibagong surge ng sakit.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with